Binili na ang Commission on Elections (Comelec) ang mga inupahan nitong vote counting machine mula sa Smartmatic.
Ang pagbili ay napagpasyahan ng Comelec en banc sa pamamagitan ng unanimous vote ng anim na miyembro nito.
Ayon sa source, pinirmahan ngayong buwan ng Enero ng Comelec at Smartmatic ang kontrata para sa pagbili ng mahigit na siyam na libong vote counting machines na ginamit noong 2016 sa halagang P2.122 Billion.
Mas makakatipid umano ang Comelec kung bibilhin ang mga nasabing makina para magamit sa automated midterm elections sa 2019 kaysa upahan ito muli.
Una rito, inirekomenda ng Comelec Advisory Council ang pagbili sa mga makina ng smartmatic dahil pamilyar na dito ang mga botante.
MOST READ
LATEST STORIES