Mga sangkot sa P6.4B shabu shipment sa BOC muling kinasuhan

Inquirer File Photo

Naghain ng panibagong asunto ang Department Of Justice(DOJ) sa Valenzuela Regional Trial Court may kinalaman sa kontrobersiyal na P6.4-Billion pesos shabu shipment na nakalusot sa Bureau of Customs mula China.

Nakasaad sa pitong-pahinang criminal information na inaprubahan ni Acting Prosecutor General Jorge Catalan Jr., kasong paglabag sa Section 5 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act o Transporation and Delivery of Dangerous Drugs ang isinampa sa mga respondent.

Kabilang sa mga kinasuhan sina Chen Ju Long alyas Richard Tan at Richard Chen ang sinasabing may-ari ng Hongfei Logistics warehouse kung saan nadiskubre ang mahigit 600 kilo ng shabu.

Dawit din sa kaso ang negosyanteng si Dong Yi Shen alyas Kenneth Dong, Customs fixer na si Mark Ruben Taguba II, customs broker na si Teejay Marcellana, Li Guang Feng alyas Manny Li, Eirene Mae Tatad ng EMT Trading, gayundin ang mga dayuhang sina Chen Min at Jhu Mhing Jyun.

Ang asunto ay bukod pa sa nauna ng kaso na isinampa ng DOJ sa Manila RTC.

Nauna ng inilipat ng DOJ sa Manila RTC ang kasong drug importation kaugnay ng P6.4 billion shabu shipment mula sa China na orihinal na inihain ng DOJ sa Valenzuela City Regional Trial Court.

Kasunod ito ng pagpabor ng Valenzuela RTC sa ‘motion for reconsideration’ ng DOJ na kumukwestiyon sa naging pagbasura ng korte sa kasong inihain laban sa siyam na indibidwal dahil sa kawalan umano ng hurisdiksyon.

Read more...