Petisyon ng online site na Rappler sa CA nai-raffle na

Napunta sa 13th division ng Court of Appeals ang Petition for Review na inihain ng online site na Rappler kontra sa naging desisyon ng Securities and Exchange Commission o SEC sa pagkansela sa Certificate of Incorporation nito.

Si Justice Rafael Santos Jr. ang naatasan na magresolba sa petisyon, tatayo namang chairman si Justice Apolinario Bruselas at Justice Socorro Inting bilang Senior Member.

Batay sa naunang desisyon ng SEC, lumabag sa batas ang Rappler may kaugnayan sa pagbabawal sa mga dayuhan na mag may-ari ng media entity.

Ayon sa Rappler, ang desisyon ng SEC noong January 11, 2018 ay isang uri ng pag-atake sa press freedom.

Sa statement ng Rappler, sinabi ni Atty Francis Lim na may mga implikasyon ang kanilang petisyon sa sektor ng negosyo at press freedom.

Sinabi ni Lim, mayroon silang legal position sa usaping ito ay maaring taliwas sa pananaw ng SEC.

Mayroon na anyang pasya o jurisprudence ang korte na maaring maging gabay ng CA sa pagdedesiyon sa kaso.

Giit ng Rappler, lahat ng kanilang stockholders, director at mga opisyal ay pawang mga Pilipino.

Read more...