Limitasyon sa mga TNVS hindi muna itutuloy ng LTFRB

Inquirer Photo

Hindi muna itinuloy ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang utos nitong limitahan sa 45,000 ang Transport Network Vehicle Services sa Metro Manila.

Put on hold ang LTFRB Memorandum Circular 2018-003 matapos utusan ng Department of Transportation ang ahensya na pag-aralan muna ang hakbang.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, balik muna sa dating listahan ng mga TNVS at pag-aaralan ang demand ng serbisyo.

Sa ngayon ay papayagan ng LTFRB ang iba’t-ibang uri ng TNVS na bumiyahe sa Metro Manila basta sila ay accredited.

Kabilang dito ang mga Sedan, AUV at Hatchback cars na unang pinag-aaralan ng ahensya na i-ban.

Sa pagtaya ng Grab Philippines, nasa animnapung libong TNVS ang nagseserbisyo sa mga pasahero sa kalakhang Maynila pero hindi pa ito sapat.

Read more...