Bagong drug trader sa NBP ibinunyag ng PDEA

Ibinunyag ng Philippine Drug Enforcement Agency na may panibagong grupo sa New Bilibid Prisons ang kasalukuyang nasa likod ng bentahan ng droga roon.

Sinabi ni PDEA Director Jigger Montalla sa pagdinig ng House Sub Committee on Correctional Reforms na may namomonitor silang bagong grupo sa drug trade sa bilibid.

Ayon kay Montalla, mga Chinese Nationals ang mga ito na wala sa kanilang naunang listahan at binabantayan.

Tiniyak naman nito na tinututukan ng PDEA ang hindi pa pinangalanang grupo dahil sa mayroon silang satellite office sa bilibid.

Hindi naman itinanggi ni Justice Undersecretary Antonio Kho ang pagkakaroon ng mga bagong drug trader sa NBP

Read more...