Ayon kay James Gomez, Amnesty International Director of Southeast Asia and the Pacific, ilang libong mga mamamayan na karamihan ay mga mahihirap ang brutal na pinatay ng pulisya simula nang manungkulan ang Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi nito na ngayong balik naman sa PNP ang anti-drug operations dapat gumawa ng hakbang ang gobyerno upang hindi na maulit ang pagdanak ng dugo na naranasan sa nakalipas na 18-buwan.
Pinayagan ayon kay Gomez ng Duterte administration ang pulisya na magsagawa ng mga operasyon na tinawag nitong halos ‘total impunity’.
Positibo naman ito sa naging hakbang ng Department of Justice na magsampa ng kasong murder laban sa mga pulis na sangkot sa pagpatay sa teenager na si Kian Loyd delos Santos.
Gayunman, sinabi nito na dapat mapanagot ang iba pang sangkot sa libo-libong kaso ng pagpatay may kaugnayan sa ‘war on drugs’.