Live-fire exercise isinagawa ng Taiwan

 

Nagsagawa ng live-fire drills ang Taiwan sa gitna ng umiiral na panibagong pagtaas ng tensyon sa pagitan ng naturang bansa at China.

Muling tumaas ang iringan sa pagitan ng dalawang bansa makaraang magpatupad ng mga bagong ruta o flight routes ang China na lumilipad sa Taiwan Strait na hindi ikinokonsulta sa Taiwan.

Ang Taiwan Strait ang bahagi ng karagatan na naghihiwalay sa China at Taiwan.

Sa naturang live-fire drills, pinapraktis ang pagresponde sa posibilidad ng biglaang pagpasok ng mga military ships sa baybayin ng Hualien, na nasa silangang bahagi ng Taiwan.

Bahagi ng military response ang pagpapadala ng attack helicopters at fighter jets sa lugar.

Giit ng mga opisyal ng Taiwan, bahagi lamang ang hakbang ng kanilang paghahanda na protektahan ang kanilang teritoryo alinmang bansa na nais na manghimasok sa kanilang soberenya.

Read more...