Ayon sa PSA, simula February 2, magkakaroon ng kinse pesos na dagdag sa kanilang sinisingil na fee sa bawat opisyal na dokumentong kanilang ilalabas.
Ito anila ay bunga ng epekto ng ipinatutupad na Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law o TRAIN Law.
Sa ilalim ng naturang batas, magkakaroon ng dagdag sa binabayarang documentary stamp tax ng mamamayan sa bawat dokumento.
Dahil dito, mula sa P140 pesos ay magiging P155 pesos na ang singil sa birth certificate, marriage at death certificate.
Samantala, magiging P210 pesos na ang bayad sa Certificate of No Marriage o Cenomar mula sa dating P195 pesos simula sa February 2.