Ito ang paglilinaw ni DILG Secretary Mel Senen Sarmiento bilang reaksyon sa mga ulat na binibigyan umano ng spesyal na mga pabor sina dating Palawang Governor Joel Reyes at dating Coron Mayor Mario Reyes habang nakapiit sa Puerto Princesa Jail.
Halimbawa na lamang dito ang pagpayag ng warden ng Puwerto Princesa City Jail na makapag press conference ang magkapatid sa loob ng bilangguan nang walang pahintulot ng hukuman.
Isa pa sa mga pribilehiyong tinatanggap umano ng dalawa ay ang pagkakaroon ng close-in security ng mga ito sa kanilang pagdating sa Puerto Princesa City noong Biyernes at habang nagpi-presscon.
Paliwanag ni Sarmiento, inalis muna sa puwesto si Jail Sr. Insp. Don Paredes na warden ng naturang piitan upang ipakita na walang special treatment sa dalawang detainee.
Kanya na aniyang nakausap si Paredes at idinahilan na isang ambush interview ang naganap noong Biyernes.
Gayunman, malaking katanungan aniya ang mga lumabas na media footage kung saan makikitang nakaupo si ex-Governor Reyes at ang mga miyembro ng media habang isinasagawa ang interview.