Noong nakaraang buwan lang ay magbibigay sana ng 6.1 million euros na halaga ng ayuda ang EU.
Gayunman, hindi pa rin ito tinanggap ng pamahalaan.
Patuloy pa rin kasing iginigiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya tatanggapin ang EU na inaakusahan niyang nakikialam sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.
Ayon kay EU Ambassador Franz Jessen, umaasa sila na sa huli ay maipagpapatuloy pa rin nila ang pagbibigay ng kanilang development assistance sa Pilipinas.
Nabanggit rin ni Jessen na isang delegasyon mula sa Brussels ang nakatakdang bumisita sa Maynila.
Samantala, kahit naman walang Trade Related Technical Assistance (TRTA) ay maari pa rin aniyang tumulong ang EU nang direkta sa mga ahensya ng gobyerno depende sa sitwasyon.