Ayon sa ulat ng 9th Infantry Division ng Army, mga miyembro ng Concepcion Group ang mga napatay sa pakikipagbakbakan ng mga ito sa mga otoridad.
Ang grupo umano ay sangkot sa serye ng pagpatay sa naturang lalawigan.
Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang militar at pulisya na nagtatago sa Barangay Sto. Niño sa Bula, Camarines Norte ang ilang miyembro ng Concepcion group.
Dahil dito, nagkasa ng operasyon ang mga otoridad upang madakip ang mga gun-for-hire suspects.
Gayunman, nanlaban umano ang grupo kaya’t humantong sa engkwentro ang insidente.
Matapos ang palitan ng putok, dalawa sa mga suspek ang nasawi samantalang nagpapatuloy ang pursuit operations ng mga otoridad laban sa iba pang mga tumakas na suspek.