Ito ang maiksing tugon ng Malacañang sa banta ni Senador Antonio Trillanes IV na maaring ma-impeach si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagsuspindi kay Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang.
Pinatawan ng Malacañang ng 90-day preventive suspension si Carandang dahil sa pagsisiwalat nito sa bank account ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi naman otorisado ng Anti Money Laundering Council (AMLC).
Hinamon ni Presidential Spokesman Harry Roque si Trillanes na maghain na ng impeachment sa lalong madaling panahon at haharapin nila ito sa kongreso o sa impeachment court.
Nanindigan si Roque na may kapangyarihan ang pangulo ng bansa na suspendehin ang Deputy Ombudsman.
Gayunman, base sa 2014 decision ng Supreme Court sa kaso ni Deputy Ombudsman Gonzales laban sa Office of the President ay pinawawalang bisa nito ang paragraph 2 section 8 ng Republic Act 6770 na nagsasaad na maaaring tanggalin ng pangulo ang Deputy Ombudsman.