Freedom of Information law ang sagot sa fake news ayon kay Sen. Grace Poe

Kuha ni Ruel Perez

Dapat umanong mahigpit na ipatupad ng gobyerno ang Freedom of Information law bilang panlaban sa fake news.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media, iginiit ni committee chairperson, Senator Grace Poe kay Communication Sec. Martin Andanar na paigtingin ang implementasyon ng FOI law.

Paliwanag ng senadora, marami pa ring mga ahensya ng gobyerno ang hindi sumusunod sa naturang batas.

Giit ng senadora, minsan ay laging huli o hindi naibibigay ang mga impormasyon na nire-request sa kanila sa pamamagitan ng FOI.

Giit ni Poe, ito aniya ay bunga ng kakulangan sa penalty para sa mga government agencies na lumalabag kaya’t patuloy na nagkakaroon ng misinformation.

Samantala, sa ginawang pagdinig, iginiit naman ng Malakanyang sa senado na may sapat na batas laban sa fake news.

Tinukoy ni Andanar na maliban sa Revised Penal Code maari din na magamit ng mga na agrabyado ang RA 10175 o Cybercrime Act of 2012 upang maihabla at makasuhan ang mga nagpapakalat ng fake news

Sinabi naman ni Andanar na welcome development sa palasyo ang pagdinig ng senado upang makahananap pa ng posibleng legislation upang masawata ang fake news

Sa bahagi umano ng administrasyon ay ginagawa ang lahat upang makapaghatid ng tama at accurate na balita kabilang ang pag-improve ng pasilidad ng TV at Radio Network ng gobyerno maging ang online site upang makapaghatid ng tamang balita na syang tanging armas para malabanan ang fake news.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...