Pulis patay sa pamamaril sa Isabela

Patay ang isang pulis makaraang pagbabarilin ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo sa Cauayan City, Isabela.

Nakatalaga ang biktimang si SPO1 Eduardo Argonza sa bayan ng Luna at naganap ang pamamaril sa bahagi ng Sipat Street sa Cauayan City sa harap ng isang tindahan.

Nakikipag-inuman si Argonza kasama ang kaniyang pinsan nang siya ay barilin ng riding in tandem sa kaniyang ulo at katawan.

Miyembro si Argonza ng Luna police intelligence unit.

Aabot sa siyam na basyo ng 9mm hand gun ang nakuha sa crime scene.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...