Refugee ban ng US sa 11 bansa na itinuturing na “high-risk”, inalis na

AP Photo

Maaari nang makapasok sa United States ang mga refugee mula sa labingisang bansa na itinuturing na “high-risk”.

Ito’y matapos ianunsiyo ng US na ipatitigil na ang ipinatutupad na refugee ban mula sa labing isang Muslim countries kabilang na ang North Korea.

Pero ayon kay Homeland Security Secretary Kirstjen Nielsen, kailangan munang sumailalim sa mahigpit na assessment ang mga magnanais na makapasok sa US.

Sa ganitong paraan aniya, mahihirapan ang mga masasamang elemento na samantalahin ang pagkakataon para lamang makapasok sa Estados Unidos.

Hindi naman idinetalye ni Nielsen ang pangalan ng mga bansang pinatawan ng ban sa ilalim ng revised refugee policy ng Trump administration.

Pero ayon sa ilang refugee group, posibleng kabilang sa mga bansang ito ay ang Egypt, Iran, Iraq, Libya, Mali, North Korea, Somalia, South Sudan, Sudan, Syria at Yemen.

 

 

 

 

 

Read more...