Masbate at Ilocos Sur, niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bayan ng Santa Catalina sa lalawigan ng Ilocos Sur.

Sa datos ng PHIVOLCS, naganap ang pagyanig sa 29 kilometers South ng Santa Catalina.

Naitala ang lindol alas 6:29 ng umaga ngayong Martes, January 30.

Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 12 kilometers.

Samantala, alas 5:11 naman, tumama ang magnitude 3.5 na lindol ang Masbate, Masbate.

Naitala ang lindol sa 10 kilometers north ng Masbate at 8 kilometers lang ang lalim.

Hindi naman inaasahang makapagdudulot ng pinsala at aftershocks ang dalawang lindol.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...