Sa loob lamang ng halos dalawang oras, limang magkakasunod na aksidente sa lansangan na ang na-monitor ng MMDA.
Sa abiso ng MMDA, unang naitala ang aksidente sa bahagi ng Aurora Katipunan kung saan isang SUV ang nasangkot sa self-accident alas 4:42 ng umaga.
Ayon sa MMDA naitala ang aksidente sa southbound lane ng Aurora Katipunan kaya maagang naperwisyo ang mga motoristang patungo sa C5 area.
Alas 5:23 naman ng umaga, nakapagtala ng aksidente ang MMDA sa bahagi naman ng Commonwealth Philcoa. Naganap naman ang nasabing aksidente sa eastbound sangkot din ang isa pang SUV.
Makalipas lamang ang ilang minuto, pagsapit ng alas 5:54 ng umaga, isa nama namang aksidente ang naganap sa EDSA Main Avenue southbound at sangkot dito ang isang SUV at kotse.
Nasundan ito ng isa ang aksidente sa bahagi naman ng C5 Julia Vargas southbound alas 6:18 ng umaga at ang nagkabanggaan naman ay dalawang motorsiklo.
Sa Bonny Serrano Katipunan southbound, nakapagtala din ng aksidente ang MMDA alas 6:24 ng umaga sangkot ang isang motorsiklo at SUV.
Dahil kasagsagan na ng rush hour at karamihan sa aksidente ay naitala sa southbound, nagdulot ang mga ito ng perwisyo sa daloy ng traffic.