Tinatayang nasa P500,000 ang halaga ng mga nasabat na pakete ng shabu sa tahanan ni Samson Mulao na presidente ng Cotabato Foundation College for Science and Technology, na nasa loob mismo ng campus.
Maliban dito ay nakakuha din ang mga pulis ng hindi bababa sa 13 mga baril kabilang na ang isang AK47, M15 at M16 rifles.
Sinadya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang paaralan dahil sa mga natanggap nilang “reliable” information kaugnay ng pagkakasangkot ni Mulao sa bentahan ng iligal na droga.
Naglabas ang Cotabato Regional Trial Court ng search warrant matapos silang makatanggap ng mga ulat na ginagawang distribution point ng shabu na ibinebenta sa nasabing bayan ang naturang kolehiyo.
Wala naman si Mulao sa kaniyang tahanan nang magsagawa ng raid ang mga operatiba ng PDEA.