Balutan at Cam, pinagbabati na ni Pangulong Duterte

 

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Philippine Charity Sweepstakes Office Board Member Sandra Cam na makipagbati na kay PCSO General Manager Alexander Balutan.

Sa naganap na briefing kahapon sa Albay Provincial Capitol para alamin ang sitwasyon ng nag aalburutong bulkang Mayon, pinagsabihan ng pangulo si Cam na makipagbati na kay Balutan.

Una nang nagkairingan sina Cam at Balutan matapos ibunyag ni Cam na naging magarbo ang christmas party ng PCSO na ginastusan ng anim na milyong piso.

Nasa Albay kanina si Cam para iabot ang limang milyong pisong tulong ng PCSO sa mga residenteng apektado ng pag aalburuto ng bulkan.

Pabiro pang sinabi ng pangulo na dapat nang tawagan ni Cam si Balutan at pinadagdagdagan ang limang milyong pisong ayuda at gawin nang tatlumpong milyong piso.

Una rito, nagbigay ang pangulo ng dalawampung milyong pisong ayuda sa mga taga-Albay at dagdag na limampung milyong piso bukas.

Read more...