Suweldo ng mga Pinay service workers sa Malaysia, hindi dapat galawin

 

Inquirer file photo

Mananatiling nasa 400 U.S. dollars ang dapat ipa-sweldo sa mga Filipino maid sa Malaysia kahit gaano man kataas o kababa ang palitan ng dolyar sa Pilipinas.

Ayon kay Philippine Ambassador to Malaysia Eduardo Malaya, kinakailangan maibigay at bayaran ng mga employer ng mga Filipino maids ang katumbas na halaga ng local currency nila saan mga bansa ito nagta-trabaho.

Dagdag pa ni Malaya, magiging unfair sa mga ina at mga anak na babae na kumita lamang ng wala sa minumum na sweldo katumbas ng itinakda na minumum wage sa Pilipinas.

Kasunod ito sa pagbaba ng Ringgit pera sa Malaysia na halos dalawampung porsyento laban sa dolyar sa mga nakaraang taon.

Sinabi rin ni Malaya na nasabihan na ng embahada ang lahat ng labor agencies sa Malaysia na sumunod sa itinakdang minimum wage.

 

Read more...