Mga kumpanya ng langis, may dagdag presyo ngayong araw

 

Inquirer file photo

Nagpatupad ng panibagong price increase ang mga kumpanya ng langis ngayong Martes, Setyembre 29.

Epektibo alas 12:01 kanina, nagdagdag ng P0.50 sa kada litro ng gasolina ang Shell, Seaoil Chevron at PTT Philippines samantalang P0.10 naman sa bawat litro ng diesel.

P0.50 din ang itinaas sa presyo ng gasolina ng Petron at Eastern Petroleum, at P0.10 naman sa diesel na naging epektibo kaninang alas 6:00 ng umaga.

Bukod sa diesel at gasolina, nagtaas din ng sampung sentimo sa presyo ng kanilang kerosene ang Shell, Chevron, Petron at Seaoil.

 

Read more...