Pangulong Duterte, nagsagawa ng aerial inspection sa paligid ng Mayon volcano

 

Bukod sa pagbisita sa mga evacuees, inikot rin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bisinidad ng Bulkang Mayon lulan ng helicopter upang makita ang pinsalang idinulot ng pagsabog nito sa lalawigan ng Albay.

Batay sa mga larawan na ipi-nost ni Special Assistant to the President Bong Go, makikita ang pangulo na lulan ng presidential helicopter at nag-iikot sa bisinidad ng mga lugar na naapektuhan ng pag-aalburoto ng bulkan.

Kasama rin sa larawan si Go.

Isinagawa ng pangulo ang aerial inspection pagkatapos ng situation briefing ng pangulo kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan at mga government agencies.

Kahapon, sa kanyang pakikipagpulong sa mga opisyal, nangako ang pangulong dadagdagan ang naunang P20-milyong pisong ayuda para sa mga naapektuhan ng muling pagiging aktibo ng Mayon Volcano.

Read more...