Ang reaksyon ni Drilon ay matapos na isiwalat ni Faeldon sa Senate Blue Ribbon Committee na may hiningi umano siyang pabor kay Faeldon na pumirma sa MOA sa pagitan ng National Historical Commission upang maiconvert ang isang gusali sa Iloilo para gawing museum.
Paliwanag ni Senador Drilon, kung tutuusin, hindi pag-aari ng BOC ang sinasabing gusali na gustong i-convert na museo kaya’t walang dahilan upang ilapit pa ito ni Drilon kay Faeldon.
Samantala, inamin naman ni Senador Tito Sotto na mayroong dumulog sa kanya na intelligence officer para mairekomenda for promotion pero giit ni Sotto na walang ilegal sa nabanggit na request.
Giit naman ni Sotto, sa halip na ibahin ang isyu ay dapat tutukan na lamang ni Faledon ang pagsagot sa usapin ng paglusot ng bilyong pisong halaga ng shabu sa kamay ng BOC noong ito pa ang pinuno ng ahensya.