DOH, humihirit ng full refund sa biniling Dengvaxia

 

Humihirit na ang Department of Health (DOH) ng full refund mula sa Sanofi Pastuer para sa mahigit tatlong milyong units ng Dengvaxia vaccine.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, hindi naman natupad ng Sanofi Pasteur ang claimed protection ng Dengvaxia laban sa sakit na dengue.

Ang Dengvaxia ay mayroong 60 percent efficacy rate laban sa dengue.

Nauna nang nakapagbayad ang Sanofi ng mahigit P1 billion para sa mahigit isang milyong natitirang dose ng Dengvaxia.

Subalit maging ang bayad para sa mga nagamit nang bakuna at naiturok sa ilalim ng dengue immunization program, nais na ring ipasauli ng DOH.

Nangangahulugan ito na humihingi pa ang kagawaran ng P1.9 billion na halaga ng refund mula sa Sanofi.

Read more...