Napagkasunduan ng mga senador na manatili ang contempt citation laban kay si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.
Ito ang kinumpirma ni Senate Blue Ribbon Committee Chairlan Richard Gordon.
Ayon kay Gordon, sa ginawang caucus ng mga senador matapos ang pagdinig ng komite kaugnay sa “tara system” sa BOC ay unanimous umano na nagkasundo ang mga senador na ilipat na mula sa Senate Building papunta Pasay City Jail si Faeldon.
Anumang oras mula ngayon ay maaring ilipat si Faeldon at iniintay na lamang umano ang mismong kautusan mula kay Senate President Koko Pimentel.
Sa pagdinig ng Senado kanina ay inakusahan rin ni Faeldon sina Sen. Franklin Drilon at Sen. Tito Sotto ng umano’y paghingi sa kanyang ng iligal na mga pabor noong siya pa ang pinuno ng BOC.