Malacañang: “Good luck sa Rappler”

Radyo Inquirer

“Good luck to them”.

Ito ang maiksing tugon ng Malacañang sa pagdulog ng online news website na Rappler sa Court of Appeals para baliktarin ang desisyon ng Securities and Exchange Commission (SEC) na kanselahin ang kanilang License to Operate dahil sa pondong kanilang ginagamit na galing sa mga dayuhang investors.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tiyak na umaasa ang Rappler na makukumbinsi nila ang Court of Appeals na katigan ang kanilang hanay kasunod na rin ng ingay na kanilang ginawa matapos ang ipinalabas na desisyon ng SEC.

Naunang dito ay sinabi ni Roque na maari namang gamitin ng Rappler ang lahat ng legal na pamamaraan para mabaliktad ang desisyon ng SEC.

“After all, the noise that they’ve created, they are certainly hoping that they could influence the Court of Appeals”, ayon sa kalihim.

Nauna nang sinabi ng Malacañang na hindi ipinasasara ang Rappler kundi pinasasagot sa sila dahil sa paglabag sa ilang security law.

Read more...