Inamin ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon na nilapitan siya ng ilang mga personalidad para pakiusapang magpalusot ng ilang mga shipment mula sa Aduana.
Isa sa mga pinangalanan ni Faeldon ay si dating Philippine Coast Guard Commandant Vice Admiral Damian Carlos.
Pinakiusapan umano siya ni Damian na palusutin ang 86 anim na container vans na naglalaman ng mga sibuyas.
Sinabi rin ni Faeldon na ilang beses siyang pinakiusapan ni Sen. Franklin Drilon na ipaubaya na sa National Historical Commission ang kanilang opisina sa Iloilo City dahil gagawin itong museum.
Ayon kay Faeldon ang ikatlong palapag na lamang ng gusali ang matitira sa Bureau of Customs kaya hindi niya pinagbigyan ang hirit ni Drilon.
Inihayag rin ni Faeldon na dalawang beses siyang kinausap ni Sen. Tito Sotto at pilit na ipinalalagay ng mambabatas bilang pinuno ng Intelligence Unit si Eric Albano.
Pero sa ginawang job interview ay sinabi ni Faeldon na hindi qualified sa posisyon si Albano kung kaya hindi niya pinagbigyan ang pakiusap ni Sotto.
Nang tanuningin si Faeldon kung ano naman ang mga ipinakiusap sa kanya ng tinaguring Davao group ay tumanggi siyang idetalye ito dahil hindi na umano niya maalala ang detalye nito.