Ibinunyag ni Senator Bongbong Marcos ang nakuha nila na ilang ballot images na magpapatunay aniya na nagkaroon ng dayaan noong nagdaang eleksyon.
Ang mga ballot image na mula sa labingdalawang bayan sa bansa ay nakuha ng kampo ni Marcos sa Presidential Electoral Tribunal (PET).
Partikular na binanggit ni Marcos ang pagkakaroon ng square na may tuldok sa mga pangalan ni Vice President Leni Robredo sa nakuha nilang ballot images.
Ani Marcos, mayroon pang mga balota na mahigit sa isa ang tuldok at dapat itinuring nang ‘spoiled ballot’ pero ang boto ay na-credit pa rin kay Robredo.
Igniit ni Marcos na anumang tampering sa ballot image ay malinaw na paglabag sa election rules.
Sinabi ni Marcos na ito ang dahilan kung bakit ang tagal bago sila nabigyan ng printed copies ng ballot images.
Ang kampo aniya ni Robredo ay noon pang Nobyembre kumpleto ang sof copies ng ballot images habang sila ay kulang pa hanggang sa ngayon.
“Kung maalalala ninyo, mga last month, panay ang reklamo at sinasabi ko kung bakit laging dinedelay ang pagbigay sa akin ng printed copies ng mga ballot images. Yung soft copy, which Robredo has had since Nov, hanggang ngayon, di pa kumpleto yung amin. Yung kanila, kumpleto na,” ani