Ayon kay Dela Rosa, kinakailangang idepensa ng mga pulis ang kanilang sarili kung manlalaban ang mga drug suspect.
Ito aniya ang dahilan kaya mahirap ipangako na kaya nilang gawing bloodless ang drug war ng 100 percent.
Sinabi naman ni Dela Rosa na kung mayroong makapagpapatunay na may mga pulis na nagpapasimuno para maging madugo ang drug war ay handa siyang magbitiw sa pwesto bago pa mag-Abril.
Ani Dela Rosa, sa ilalim naman ng bagong guidelines sa pagpapatupad ng Oplan Tokhang ay maiiwasan ang mga posibilidad ng pag-abuso ng mga otoridad.
MOST READ
LATEST STORIES