Sinampahan na ng kasong administratibo ng Office of the President si Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ito ay dahil sa pagsasapubliko ni Carandang sa bank statement ni Pangulong Rodrigo Duterte na galing umano sa anti-money laundering council na wala namang kaukulang permiso.
Grave misconduct at grave dishonesty aniya ang ginawa ni Carandang.
Misleading din aniya ang ginawa ni Carandang na galing ng AMLC ang bank accounts ng pangulo na naglalaman umano ng P211 milyon.
Sinabi pa ni Roque na pinatawan na ng 90 na preventive suspension ng Office of the President si Carandang.
MOST READ
LATEST STORIES