Ayon sa Sandiganbayan, ang dating pagtakas ni Reyes palabas ng bansa ay sapat nang batayan para bawiin ang pagpayag na makapagpiyansa si Reyes.
Binanggit pa ng sandiganbayan ang pagtungo ni Reyes sa Thailand noong 2012 sa kabila ng hold departure order na inilabas laban sa kaniya.
Hindi rin umano boluntaryong bumalik sa bansa si Reyes noong 2015 at sa halip siya ay naaresto sa pinagtaguang bansa.
Kasabay nito, pinagtibay din ng Sandiganbayan ang 6 hanggang 8 taong pagkakabilanggo kay Reyes matapos ibasura ang apela nito sa kinakaharap na kasong graft sa anomaly sa pabibigay ng permit sa small-scale mining firm sa Palawan.
Una nang naghain ng urgent omnibus motion ang prosekusyon sa Sandiganbayan para hilingin na muling madakip si Reyes sa kaniyang kasong graft.
Nakalaya kasi si Reyes sa pagkakakulong nang ibasura Court of Appeals ang kaso niya kaugnay sa pagpatay sa broadcast journalist na si Gerry Ortega.
Dahil sa nasabing pasya ng CA na naging dahilan upang makalaya ng kulungan si Reyes, sinabi ng prosekusyon na dapat muling ipakulong ng Sandiganbayan ang dating gobernadora dahil maituturing siyang flight risk.