
METRO MANILA, Philippines — Niyanig ng magnitude 7.8 na lindol ang malaking bahagi ng Mindanao kaninang umaga nitong Lunes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa inilabas na abiso ng Phivolcs, tumama ang lindol sa 7:37 a.m. at ang sentro ay sa silangan ng Maasim, Sarangani, sa lalim na 33 kilometro.
Nag-ugat ang lindol sa paggalaw ng Cotabato Trench.
Naramdaman ang lindol sa lakas na intensity 7 sa General Santos City.
BASAHIN: Jomalig, Quezon walong beses niyanig ng lindol
Ito ang mga naramdamang intensity sa iba’t ibang lugar:
- Intensity VI: Palimbang, Senator Ninoy Aquino, at Sultan Kudarat
- Intensity V: Davao City, City of Kidapawan; Carmen sa Cotabato; Bagumbayan, Kalamansig, at President Quirino sa Sultan Kudarat; Sibuco at Siocon sa Zamboanga del Norte
- Intensity IV: City of Mati sa Davao Oriental; Buug sa Zamboanga Sibugay; Caraga, Manay, at Tarragona sa Davao Oriental
- Intensity III sa Butuan City; Mainit sa Surigao del Norte; City of Dapitan sa Zamboanga del Norte; at Kumalarang at Vincenzo Sagun sa Zamboanga del Sur
- Intensity II: City of Dipolog, Labason, Liloy, President Manuel A. Roxas, at Salug saZamboanga del Norte; Alicia, Ipil, Mabuhay, Olutanga, at Siay sa Zamboanga Sibugay; Molave sa Zamboanga del Sur; Abuyog at Dulag sa Leyte; San Francisco sa Southern Leyte
Kasunod ng lindol, nagtaas ng tsunami warning para sa mga lugar na nasa dalampasigan ng mga naapektuhang lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.