Sa kabila ng mga nararanasang pag-uulan, nagpatuloy ang aktibidad ng Bulkang Mayon kahapon, araw ng Linggo hanggang hatinggabi.
Kahapon, makailang ulit na nagbuga ng lava at abo ang Bulkang Mayon, batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs at sa mga larawang ipinaskil ng mga residente sa social media.
Unang namataan ng Phivolcs ang paglalabas ng lava ng bulkan dakong alas 12:45 ng madaling-araw ng Linggo.
Nasundan pa ito ng mga pagsabog dakong alas-5:36 at alas-10:33 ng umaga.
Dakong alas 3:28, nasaksihan muli ng mga residente ang muling paglabas ng lava sa bunganga ng bulkan.
Pasado alas 7:10 ng gabi, ng Linggo, sa kabila ng maulap na panahon ay muling nagbuga ng abo at lava ang Mayon Volcano.
Kitang-kita sa mga larawan na ipi-nost sa social media ng mga residenteng nakatira sa paligid ng bulkan ang pagdausdos ng nagbabagang lava sa gilid ng bulkan.
Nagpapatuloy naman ang pagbibigay babala ng mga lokal na pamahalaan sa mga resdente sa paligid ng bulkan sa posiblidad ng pagbaba ng lahar at ‘sediment-laden stream flows’ mula sa gilid ng bundok tungo sa mga ilog dahil sa nararanasang pag-ulan sa lalawigan ng Albay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.