“Kung walang fake news, hindi malalaman ang true news” – Roque

By Rhommel Balasbas January 29, 2018 - 01:33 AM

 

Inquirer file photo

“Kung walang fake news, hindi malalaman ang true news” – Roque

May papel ang ‘fake news’ upang malaman ang katotohanan.

Ito ay ipinahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang pulong balitaan kasama si Iloilo Gov. Arthur Defensor Sr. sa ‘sidelines’ ng Dinagyang Festival sa Iloilo City.

“Sabi nga sa isang kaso: Kung walang fake news hindi natin malalaman kung ano yung true news. Kung hindi natin malalaman ang kasinungalingan, hindi rin natin malalaman ang katotohanan,” ani Roque.

Iginiit ng kalihim na dapat hayaang magkaroon ng malayang palitan ng mga ideya.

Maging siya anya ay nabiktima ng fake news ng mga ‘prestihiyosong pahayagan’ matapos ang kanyang pahayag na hindi ‘afford’ ng mga Filipino Scientists na magsagawa ng ‘maritime research’ sa Benham Rise at kailangan pa ng bansa ang China upang gawin ito.

Hindi anya siya makapaniwala na mismong ang mga ito ay kayang maglathala ng pekeng balita dahil malinaw naman anya ang sinabi niya sa tape.

Ayon kay Roque, nang makita niya ang mga istorya ay nahinuha niyang wala naman anyang pagkakaiba ang sinusulat ng mga lehitimong media outlets sa sinusulat ng mga bloggers sa social media.

Matatandaang ang naging pahayag ni Roque tungkol sa kakayahan ng mga Filipino Scientists ay umani ng kritisimo partikular kay University of the Philippines – Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea Director Jay Batongbacal.

Sa kanyang post ay tinawag ni Batongbacal ang naging pahayag ni Roque na mapang-insulto sa kakayahan ng mga Filipino.

Samantala, ang naging bagong pahayag naman ni Roque tungkol sa papel ng ‘fake news’ ay muling umani ng batikos sa social media.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.