Halaga ng pinsala sa mga pananim sa Albay, aabot na sa higit P200M

By Angellic Jordan January 28, 2018 - 01:33 PM

Tinatayang P189.4 milyon na ang kabuuang halaga ng pinsala ng mga pananim sa probinsya ng Albay.

Ito ay bunsod ng nagpapatuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 8:00 Linggo ng umaga, aabot na sa P181,382,970 ang halaga ng sirang pananim sa bigas, P7,573,696 sa mais at P478,000 sa abaca.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, 70 porsyento ng palayan ang nasira sa paligid ng Mayon.

Nakatakda namang bumiyahe si Piñol sa Albay ngayong Linggo ng hapon para alamin ang pinsala sa lugar at kung ano ang maaaring irekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na solusyon dito.

Nakahanda na rin aniya ang P1 bilyong quick reaction fund ng kagawaran para tulungan ang mga apektadong magsasaka.

TAGS: abaca, Albay, Bigas, Bulkang Mayon, DA, magsasaka, mais, Sec. Manny Piñol, abaca, Albay, Bigas, Bulkang Mayon, DA, magsasaka, mais, Sec. Manny Piñol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.