Publiko, pinag-iingat sa mga mananamantala sa relief operations para sa Mayon evacuees

By Rhommel Balasbas January 28, 2018 - 06:54 AM

AP Photo

Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na maging alerto sa maaaring manamantala sa isinasagawang relief operations ng kagawaran para sa mga apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.

Makailang ulit na kasing ginamit ang pangalan ng kagawaran sa panahon ng kalamidad upang humingi ng tulong at maaari anila itong gamitin sa nangyayari ngayon sa Albay.

Sa isang panayam, umapela si DSWD Officer-In-Charge Emmanuel A. Leyco sa mga mamamayan na mas maging maingat sa pakikipagdayalogo sa mga mananamantala.

Pinaalala niya sa publiko na ang mga empleyado ng kagawaran ay nakasuot ng ID at ‘red vests’ tuwing nagsasagawa ng relief operations.

Sa pinakahuling tala, higit 84,000 katao sa 59 na barangay sa Albay na ang naaapektuhan ng pag-aalburuto ng bulkan.

Umabot naman na sa higit kumulang 23.8 milyong pisong halaga ng ayuda ang naibigay sa mga apektadong pamilya.

Sa kabuuang bilang na ito ay P17,123,024 ang nagmula sa DSWD, habang nakapagbigay naman ang mga lokal na pamahalaan ng P2,849,124 at P3,848,249 naman ang mula sa mga non-government organizations.

TAGS: dswd, DSWD reminds public about scammers during relief operations, Mayon Eruption, dswd, DSWD reminds public about scammers during relief operations, Mayon Eruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.