Chinese national, nakatakas sa kanyang mga kidnappers sa Cavite
Maswerteng nakatakas mula sa kanyang mga kidnapper sa Cavite ang isang babaeng Chinese national.
Ayon kay Cavite Police Director Sr. Supt. William Segun, kinidnap ng dalawa pang Chinese at isang Filipino si Liu Shan Shan, 28 anyos.
Ayon kay Liu, nakilala niya ang mga suspek sa pamamagitan ng messaging application na ‘WeChat’ dahil sa alok na trabaho bilang ‘interpreter’.
Sinundo siya sa lobby ng isang condominium sa Pasay City kung saan siya at ang kanyang asawa ay naglalagi at pumayag na sumakay sa kotse sa pag-aakalang siya ay sasailalim sa interview para sa naturang job offer.
Nagsuspetsa na siyang may kakaibang motibo ang mga suspek nang mapansing ilang oras na silang bumabiyahe.
Nakatali na ang kanyang mga kamay at nakatakip ang bibig ng ‘duct tape’ ng kumprontahin niya ang mga suspek.
Dinala pala ang biktima sa isang resort sa Barangay Bucana sa bayan ng Ternate.
Isang pulis na kasalukuyang nagbabakasyon sa naturang resort ang nakakita kay Liu na sumisigaw ng tulong habang tumatakas sa kanyang mga kidnapper.
Agad namang nakipag-ugnayan ang naturang pulis sa mga pulis sa bayan.
Namataan sa kuha ng mga cctv malapit sa resort ang mga suspek na sumakay ng bus pabalik ng Maynila matapos ang insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.