1 nahulihan ng marijuana kabilang sa 26 na naaresto sa Quezon City

By Justinne Punsalang January 28, 2018 - 03:27 AM

Timbog ang 26 na mga indibidwal kabilang ang ilang mga menor de edad, at isang nahulihan ng marijuana sa ikinasang SACLEO o Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation ng Quezon City Police District (QCPD) Station 10.

Kinilala ang lalaking nahulihan ng isang tube na may lamang marijuana na si Charles Cabardo, 19 na taong gulang, na nagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Giit nito, hindi sa kanya ang pipe at napulot lamang niya ito.

Ayon kay QCPD Station 10 commander Superintendent Christian Dela Cruz, bukod kay Cabardo ay pawang mga nag-iinom sa kalsada, mga walang suot na pang-itaas, at mga kabataang lumabag sa cufrew ang kanilang nahuli.

Mahaharap sa multa ang mga naaresto, habang isasailalim naman sa counselling kasama ng kanilang mga magulang ang mga nahuling menor de edad.

Samantala, si Cabardo naman ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: 26 arrested in QCPD's SACLEO, QCPD Station 10, Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation, 26 arrested in QCPD's SACLEO, QCPD Station 10, Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.