Romanian national, naaresto sa QC dahil sa pagpapapalit ng pekeng Euro money
Naaresto ng Quezon City Police District Station 7 sa pamamagitan ng isang entrapment operation ang isang Romanian national dahil sa pagpapapalit nito ng pekeng Euros.
Nakuha sa suspek sa isinagawang operasyon ang humigit-kumulang 2,000 fake Euros.
Nakilala ang suspek na si Mihai George Simion, na iginiit na may isang kliyente siyang mula sa United Kingdom na ibinibigay sa kanya ang pekeng pera upang papalitan ito ng Philippine Peso.
Ang naturang kliyente niya anya ay naninirahan din sa Pilipinas na dinala siya dito at nagbayad mismo sa kanyang plane ticket.
Ipinangako umano ng tinutukoy niyang kliyente nang papuntahin siya dito sa bansa ay bibigyan siya ng trabahong may kinalaman sa web design.
Ayon pa sa suspek, nasa bansa na siya simula pa December 13 noong nakaraang taon at isang buwan nang expired ang kanyang visa.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nakapagpalit na sa isang money changer ang suspek noong January 1 ng aabot sa 700 euros at nakapagpalit din sa Mandaluyong branch ng naturang shop ngunit aabot naman sa 1,100 Euros ang halaga.
Nagtangka umanong magpapalit ulit si Simion ng pera, ngunit mabilis nang nakapagsumbong ang mga tauhan ng money changer kaya’t agad na rumesponde ang QCPD.
Sa ngayon, ituturn-over muna ng QCPD sa Criminal Detection Unit ang suspek upang sertipikahan munang counterfeit money talaga ang ikinalat ng suspek.
Ayon sa pulisya, kakasuhan reklamong Estafa – Swindling ang suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.