Pagsunod sa UNCLOS, kailangan sa magandang ugnayan sa ASEAN ayon sa India
Sinang-ayunan ni Indian Prime Minister Narendra Modi ang pagsuporta sa pagpapatupad ng batas sa karagatan upang mas mapaigting pa ang kanilang maritime coopertaion sa mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ayon kay Modi, isa sa mga pinakamahahalagang diskurso sa pagitan ng kaniyang bansa at ng ASEAN ang maritime coopertaion.
Naniniwala din si Modi na lubhang mahalaga ang pag-respeto sa United Nations Convention on the law of thw Sea (UNCLOS) para maisakatuparan ang magandang ugnayan sa ASEAN.
Dagdag pa ni Modi, pagtutuunan ng pansin ng mas pinaigting na maritime cooperation ang disaster relief efforts, freedom of navigation at security cooperation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.