Nangako ang ilang senador na maipapasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL).
Bumisita ang anim na senador sa Marawi City at nagsagawa ng pagdinig sa panukalang BBL.
Naniniwala si Senador Juan Miguel Zubiri, chairman ng Senate sub-committee on the BBL, na pangmatagalang solusyon ito laban sa extremism.
Nais naman ni Senador Bam Aquino na maipasa ang panukalang batas sa lalong madaling panahon.
Sinabi naman ni Senador JV Ejercito na BBL ang sagot sa otonomiya na nais ng mga Moro. Dagdag niya, mahalaga ang plano sa rehabilitasyon ng Marawi City rito.
Samantala, ilan pa sa mga senador na bumisita sa Marawi City ay sina Risa Hontiveros, Cynthia Villar at Sonny Angara.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.