LTFRB, tatanggap na ng TNVS applications sa February 5

By Rohanisa Abbas January 26, 2018 - 07:47 PM

Tatanggap na ng franchise applications para sa transport network vehicle services (TNVS) ang Land Transportation Fracnhising and Regulatory Board (LTFRB) sa February 5.

Naglabas ng kautusan ang ahensya na naglilimita sa bilang ng TNVS na bumabyahe sa buong bansa.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, magiging epektibo ito sa February 3 , Sabado kata sa halip, sa Lunes o February 5 ito ipatutupad.

Paliwanag ni Delgra, tatanggap na sila ng bagong applications para mapunan at makumpleto ang common supply base na kanilang itinakda.

Inilabas ng LTFRB ang Memorandum Circular 2018-03 na nagtakda sa common supply base ng TNVS sa 45,700 units.

Kasama sa bilang na ito ang mga mayroon Certificate of Public Convenience para mag-operate ng TNVS, gayundin ang 13,977 applications.

Magugunitang sinuspinde ng LTFRB ang TNVS applicatioons noong July 21, 2016.

TAGS: ltfrb, TNVS, ltfrb, TNVS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.