LOOK: Ilang lansangan sa QC at Caloocan maaapektuhan ng road repairs ngayong weekend
Magsasagawa muli ng road reblocking at repairs ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang pangunahing lansangan sa Quezon City at Caloocan City ngayong weekend.
Ayon kay DPWH-National Capital Region Director Melvin B. Navarro, the magsisimula ang road repair and rehabilitation alas 11:00 nga gabi mamaya (January 26, 2018).
Gagamit umano sila ng one day concrete mix para matiyak na ang mga isasaayos na kalsada ay madaraanan na pagsapit ng alas 5:00 ng umaga sa Monday, January 29, 2018.
Narito ang mga kalsadang maaapektuhan:
Quezon City (northbound direction)
- Visayas Avenue sa harap ng Jollibee, outerlane
- EDSA sa pagitan ng Howmart patungong Oliveros, 5th lane
- Congressional Avenue Extension malapit sa Tierra Pura Subdivision, 3rd lane
- Congressional Avenue sa pagitan ng EDSA hanggang Cagayan Street, 1st lane
- Quirino Highway malapit sa Sacred Heart of Jesus, outer lane
Quezon City (southbound direction)
- middle and inner lanes ng A. Bonifacio Avenue southbound sa pagitan ng Dr. Alejo Street patungong Calavite Street.
Caloocan City
- Bonifacio Monumento Circle (General Tinio and B. Serrano Road as alternate route)
Pinapayuhan na ang mga motorista na iwasan ang mga apektadong kalsada ngayong weekend para hindi maabala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.