Mass surrender ng mga NPA sa gobyerno, resulta ng korapsyon sa kilusan

By Cyrille Cupino January 26, 2018 - 01:43 PM

Tiwala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na lalo pang tataas ang bilanh ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na magbabalik-loob at susuko sa pamahalaan.

Ayon kay Lt. Col. Emmanuel Garcia, hepe ng AFP Public Affairs Office, nagkakaroon na ng demoralisasyon sa hanay ng mga NPA.

Paliwanag ni Garcia, ilan sa mga lider ng NPA ang nagbalik-loob na sa batas dahil umano sa korapsyon na lumalaganap sa loob ng kilusan.

Ayon pa kay Garcia, 188 miyembro ng NPA na ang sumuko sa loob lamang ng tatlong linggo.

52 dito ang sumuko noong January 21 mula sa lalawigan ng Masbate at Sultan Kudarat.

Dagdag pa ni Garcia, ang mass surrender ng mga rebelde ay resulta ng determinadong opensiba ng tropa ng pamahalaan para masugpo na ang pamamayagpag ng NPA terrorists sa bansa.

Patuloy naman umano ang panawagan ng AFP sa iba pang miyembro ng NPA na magbalik-loob na rin sa pamahalaan at tanggapin ang programang pangkapayapaan na isinusulong para sa rebeldeng grupo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: AFP, mass surrender, NPA, AFP, mass surrender, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.