15 volcanic earthquakes, 7 lava fountaining, naitala sa bulkang Mayon sa magdamag
Labinglimang volcanic earthquakes at labingsiyam na pagyanig ang naitala sa bulkang Mayon sa magdamag.
Ayon sa PHIVOLCS, ang naturang bilang ng aktibidad ay naitala mula alas 6:00 ng Huwebes ng umaga hanggang pasado alas 2:00 ng madaling araw ng Biyernes.
Dagdag ng PHIVOLCS, ang bulkan ay nagkaroon din ng pitong “intense but sporadic” lava fountaining episodes.
Umabot ang lava fountains ng 150 meters hanggang 500 meters at nagresulta sa ash flumes na umabot ng 500 meters hanggang three kilometers sa ibabaw ng bunganga ng mayon at tumagal ito ng mula 26 hanggang 57 minutes kada event.
Nagkaroon din ng ilang rockfall events at isang insidente ng pyroclastic density current generation bunsod ng pag-collapse ng lava mula kahapon hanggang kaninang umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.