Pag-angkat sa 250,000 metric tons na bigas ngayong taon, hindi muna itutuloy ng NFA
Sapat pa rin ang suplay ng bigas sa bansa.
Ito ang tiniyak ng National Food Authority (NFA), batay sa naging pagtaya ng Inter-Agency Food Security Committee on Rice ng National Economic and Development Authority o NEDA.
Ayon kay NFA Spokesperson Rebecca Olarte, dahil sapat pa ang suplay, hindi na muna nila itutuloy ang pag-aangkat 250,000 metric tons ng bigas ngayong taon.
Ayon pa kay Olarte, tumaas din ang produksyon ng palay sa bansa noong nakaraang taon.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) mula sa 17.63 million metric tons noong 2016, ay tumaas ito sa 19.28 million metric tons noong nakaraang taong 2017.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.