Commissioner Prospero De Vera III, itinalagang OIC ng CHED kapalit ni Licuanan
Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang officer-in-charge sa Commission on Higher Education (CHED) si Prospero De Vera III.
Ang memorandum para sa appointment ni De Vera bilang OIC ay inilabas ni Executive Secretary Salvador Medialdea matapos magbitiw sa pwesto si Chairperson Patricia Licuanan noong nakaraang linggo.
May petsang January 24 ang memorandum at nakasaad na ang appointment kay De Vera ay upang matiyak na magpapatuloy ang pagseserbisyo ng CHED sa publiko.
Si De Vera na dating vice president ng University of the Philippines ay nauna nang itinalaga ni Duterte bilang commissioner ng CHED noong nakaraang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.