PNOY ipapaubaya sa BOC ang pagsasampa ng kaso laban sa dating LTO Chief

By Alvin Barcelona September 28, 2015 - 02:51 PM

Viriginia-Torres
Inquirer file photo

Hindi na kailangan pang ipag-utos ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagsa-sampa ng kaso laban sa kaibigan at dating Land Transportation Office Chief na si Virginia Torres kaugnay sa alegasyon ng tangkang pamba-braso sa Bureau of Customs (BOC).

Sa harap ito ng hirit ng mga grupo ng mga magsasaka na dapat ay pangunahan ni Pangulong Aquino ang pagsasampa ng kaukulang kaso sa kaibigan.

Sinabi ni Communications Secretary Sonny Coloma Jr. na una pa lamang ay inihayag na ng Pangulo na kung mayroong paglabag ay dapat nang aksyunan kaagad ito ng BOC.

Ayon kay Coloma, hindi na kailangan pa ng kumpas ng Pangulo para gampanan ng BOC ang kanilang tungkulin basta mayroong sapat na basehan ang reklamo.

Matatandaan na una nang inihayag ni Pangulong Aquino na hindi niya ituturing na kaibigan kung lihis sa kanyang prinsipyong tuwid na daan ang ginagawa ng dating opisyal.

Nauna dito ay sinabi ng grupo ng mga magsasaka na dapat ay pangunahan ni Pangulong Aquino ang pagsasampa ng kaukulang kaso sa kaibigan para patunayan na wala itong pino-protektahan.

TAGS: BOC, PNoy, Virginina Torres, BOC, PNoy, Virginina Torres

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.