Illegal recruiter na nambiktima ng 200 Pinoy na gustong magtungo sa Japan, nakatakas sa mga otoridad
Hindi pa man nakukulong ay nakatakas na agad ang babaeng illegal recruiter na nakapambiktima ng nasa mahigit 200 mga Pilipino na pinangakuan niyang makakapagtrabaho sa Japan.
Kinilala ang suspek na si Teresita Hassan na may kasong large scale estafa at illegal recruitment.
Gabi ng Huwebes nang maaresto ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) si Hassan.
Nang ipamedical ito ay bigla umano itong nakaranas ng asthma attack kaya nanatili ito sa ospital.
Laking gulat na lamang ng mga nabiktima ni Hassan nang malaman na nakatakas ito mula sa ospital matapos lumabas sa ibang exit at sumakay ng taxi habang kasama ang isang hindi nakilalang lalaki.
Ang guard pa ng ospital ang nagsabi tungkol sa pagtakas nito.
Hindi naman maipaliwanag ng mga otoridad ang insidente.
Ngunit paninigurado nila, nagsasagawa na sila ng followup operation upang muling maaresto si Hassan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.