Extremist groups, dadami kung hindi maipapasa ang BBL-MILF

By Ruel Perez January 26, 2018 - 01:09 AM

 

Nagbabala si Moro Islamic Liberation Front Chairman Alhadj Murad na dadami ang maglulutangan na mga extremist group kapag mabigo na maipasa ang Bangsamoro Basic Law

Sa isinagawang konsultasyon ng BBL sa kampo ng MILF sa Camp Darapanan kasama ang mga senador, ipinunto ni Murad na tuwing may nabibigong peace process ay may mga nabubuong mga bagong grupo ng mga extremist.

Inihalimbawa pa ni Murad na noong taon 1997 ng mabigo ang peace process nabuo ang Abu Sayaf group.

Nang sumunod na muling mabigo ang MOA-AD nabuo naman ang BIFF o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.

Ani Murad, nang mabigo ang BBL ng nakaraang administrasyong Aquino nabuo ang Maute terror group.

Paliwanag ni MILF Chairman Murad sa ngayon todo-suporta ang nakakaraming Muslim sa BBL at umaasa na ito ang kanilang bagong pag-asa para sa ikauunlad ng Mindanao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.